Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mark Bautista, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'


"Tunay na Buhay" ni Mark Bautista

Bagamat naging runner up lang at hindi itinanghal na kampeon sa reality talent search na "Star for a Night," nagpatuloy naman ang ningning ng kanyang bituin nang higit sa isang gabi.

Mula noon, nagkaroon siya ng matagumpay na singing career, naging bahagi ng maraming programa sa telebisyon at pelikula, at pati teatro, pinasok na rin niya nang maging bahagi siya ng isang musical sa London at pati sa Amerika.

Kamakailan, naging usap-usapan ang ginawa niyang pagbubunyag sa kanyang autobiographical book, "Beyond the Mark" na siya raw ay isang bisexual.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang makulay na kuwento ng buhay ng binansagang "Pop Heartthrob" na si Mark Bautista sa "Tunay na Buhay."