Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso actor and singer Mikoy Morales, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'


"Tunay na Buhay" ni Mikoy Morales

Noong 2012, isa siya sa runners up ng Kapuso reality search na "Protégé: Battle for the Big Artista Break." Mula noon, napabilang na siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon, nakagawa ng ilang indie films, at mas nakilala pa bilang "Roxy," ang lovable gay BFF nina Chito at Nikki sa top-rating sitcom na "Pepito Manaloto."

Ngayon, nagbibida naman siya sa pinakabagong fantasy series ng GMA na "Sirkus" kasama si Mikee Quintos.

Ngayong Miyerkules, samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng buhay ng Kapuso actor  at singer na si Mikoy Morales sa "Tunay na Buhay."