Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng pakikibaka ni Glenda Garcia sa breast cancer, tampok sa 'Tunay na Buhay'


Ang "Tunay na Buhay" ni Glenda Garcia
Airing: December 14, 2016

Bilang isang batikang aktres, madalas na nasusubok ang husay ni Glenda Garcia pagdating sa pag-arte. Pero sa tunay na buhay, isang mas matinding pagsubok pala ang kanyang kinaharap. Taong 2013, na-diagnose siyang positibo sa breast cancer.

Pero ngayon – makalipas ang tatlong taon – isa na siyang cancer survivor. Ano nga ba ang mga hirap na kanyang pinagdaanan at paano niya nalagpasan ang bawat malukungkot na Pasko na may malubhang karamdaman? Ngayong panahon ng Kapaskuhan humanga sa kuwento ni Glenda Garcia, Miyerkules sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos.

Tags: plug