Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Veteran actress Dina Bonnevie, kikilalanin sa 'Tunay na Buhay'


"Tunay na Buhay" ni Dina Bonnevie
Airing Date: Feb. 24, 2016

 


Pinaghalong Swiss-French-Italian-Filipino ang kanyang lahi kaya naman ng ganda niya ay bukod-tangi. Siya si Geraldine Shaer Bonnevie o mas kilalanatin bilang Dina Bonnevie. Noong bata siya, ang gusto niya ay maging madre. Pero ang pagkakapanalo niya sa Miss Magnolia ang nagbigay-daan para mapasok niya ang pag-aartista.

 


Una siyang nakilala sa pelikulang ‘Temptation Island’ at ‘Katorse’ bilang isa sa mga original Regal Babies, at mula noo’y gumawa na siya ng hindi na mabilang na mga pelikula at programa sa telebisyon, at gumawa ng pangalan bilang isang batikang aktres.

 


Ngayong Miyerkules, kumustahin natin ang buhay, lovelife at mga bagong pinagkakaabalahan ngayon ni Miss Dina sa Ilocos Sur. Huwag palalampasin sa Tunay na Buhay, pagkatapos ng Saksi.

Tags: plug