Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wanbol University, muling magbubukas sa 'Tunay na Buhay'


Ang Tunay na Buhay ni Tonette Macho


 

Bading na bumalik sa pagiging lalaki.

'Yan ang kuwento ng Tunay na Buhay ng dating komedyanteng si Anthony Roquel. Nakilala siya noon bilang si Tonette Macho sa sitcom na Iskul Bukol. Gumanap siya rito bilang bading na kaklase ng Escalera brothers. Pero maski sa tunay na buhay, may pagka-pusong mamon daw siya talaga noon.

Pero makalipas ang mahigit tatlumpung taong pagiging bading, si Tonette bumalik daw sa pagiging tunay na lalaki. Isa na siyang preacher ngayon na kilala bilang si Anthony. Ano nga ba ang nagtulak sa pagbabagong ito sa buhay ni Anthony Roquel? Alamin 'yan ngayong Martes sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos. 

Ang Tunay na Buhay ni Mely Tagasa



 

Marahil marami ang hindi pamilyar sa pangalan ng beteranang aktres na ito. Mas nakilala kasi siya sa karakter na madalas niyang ginagampanan noon. Ang terror teacher ng Wanbol University, ang pahirap sa buhay ng Escalera brothers --- si Miss Tapia!

Pero bago siyang naging mainstay sa sitcom na Iskul Bukol, nagsimula pala si Mely Tagasa bilang radio at voice talent. Pumasa kaya sa kanya si Rhea Santos bilang dubber para isang koreanovela?

Ano-ano pa nga ba ang mga pinagdaanan ni Mely Tagasa bago siya nakapasok ng showbiz? Alamin ang kuwento ng kaniyang Tunay na Buhay ngayong Martes.