Tuklasin ang 'Tunay na Buhay' ng OPM icon na Aegis Band
Tunay na Buhay ng Aegis
Airing Date: July 14, 2015
Mula pa noong dekada nobenta, bago pa man nauso ang mga 'hugot lines,' may kakaiba nang kurot sa puso ang kanilang mga kanta. Pumatok ang bandang Aegis hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa kung saan mga OFWs ang pangunahing tumatangkilik sa kanila. Naging paborito rin nating kantahin sa videoke at bars ang mga awitin nila.
Alam n'yo bang sa sobrang kasikatan ng kanilang mga kanta, naka-crossover na ang mga ito sa teatro at ginamit pa sa musical na 'Rak of Aegis,' na siya ngayong longest running original Filipino musical? Pero sinu-sino nga ba ang mga mukha at tinig sa likod ng mga kanta?
Ngayong Martes, sa ‘Tunay na Buhay’, a