Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Balikan ang 'Tunay na Buhay' ni Lucita Soriano, ngayong Martes


Ang "Tunay na Buhay" ni Lucita Soriano
Airing date: July 14, 2015
 



 
Naging leading lady. Naging kontrabida. Nagpaka-sexy at daring.  Napasok siya sa showbiz nang isa siya sa mga nanalo sa isang star search ng isang production company noong late 50s. Mula noon, lumabas na siya sa mahigit 215 na pelikula at programa sa telebisyon. 

 


 

Ilan sa mga katangi-tangi niyang pagganap ay sa ‘And God Smiled at Me’ noong 1972 kung saan nanalo siya ng Best Supporting actress award. Naging markado rin ang pagganap niya sa ‘Ako… Laban sa Lipunan’ noong 1967 kung saan gumanap siya bilang Lucila Lalu, ang tinaguriang original ‘chop-chop lady.’ Dito niya naging co-star ang dating asawa, ang yumaong actor na si Rodolfo Boy Garcia na naging ama ng dalawa nilang anak na nag-artista din noon, sina Gary Boy at Marco Polo.
 



Noong nakaraang Linggo, pumanaw na ang beteranang aktres sa edad na 74. Ngayong Martes, samahan n’yo kaming mag-baliktanaw sa kuwento ng buhay ni Lucita Soriano, sa ‘Tunay na Buhay.’