Beauty queen turned sexy actress Lyka Ugarte, magkukuwento ng kaniyang 'Tunay na Buhay'
Ang Tunay na Buhay ni Lyka Ugarte
Naging first runner-up sa Mutya ng Pilipinas si Lyka Ugarte noong 1983. Nang taon ding iyon, kinilala siya bilang pinaka magandang babae sa bansa. Pinasok din niya noon ang mundo ng showbiz bilang isang sexy star.
Pero sa kabila ng mga nakamit niyang tagumpay, apat na beses na palang pinagtangkaan ni Lyka ang sarili niyang buhay. Ano nga ba ang nagtulak sa kanya para gawin ito? At kamusta na kaya ang buhay niya ngayon bilang call center agent? Alamin yan ngayong Martes sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos.
Ang Tunay na Buhay ni Katya Santos
Nagsimula siya noon bilang child star. Pero nang siya’y magdalaga, hindi na lang daw talento ang napapansin sa kanya, kundi maging ang kanyang hinaharap. Ito nga raw ang naging daan para malinya siya noon sa pagpapa-sexy. Siya ang isa sa mga orihinal na miyembro ng Viva Hot Babes – ang binansagang “Materyales Fuertes” na si Katya Santos.
Pero alam niyo bang graduate pala ng kursong Business Administration si Katya? At ngayong tinalikuran na niya ang pagpapa-sexy, ang tanging papel na lang na kanyang ginagampanan ayang pagiging asawa’t ina.
Kumustahin natin ang buhay ngayon ng dating sexy star na si Katya Santos, dito sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos.