Mga sexy star noong dekada 80, kukumustahin sa 'Tunay na Buhay'
Ang Tunay na Buhay ni Coca Nicolas
Kabilang siya sa tinaguriang "softdrink beauties" o mga bold star na ipinangalan sa mga sikat na softdrink brands noong 1980s. Siya si Johnnalee Hickins o mas kilala bilang ‘Coca Nicolas.’ Ilan sa mga nagawa niyang sexy films ang ‘Kalapating musmos,’ ‘Snake Sisters’ at ‘Matukso kaya ang anghel?’ Sa rurok ng kasikatan, pinagdaanan din niya ang iba’t ibang bisyo na sa pagtagal ng panahon ay nagkaroon din ng epekto sa kaniyang kalusugan. Ngayon Martes, kumustahin natin ang kondisyon ni Coca sa ‘Tunay na Buhay’ kasama ang panauhing host na si Mariz Umali.
Ang Tunay na Buhay ni Glenda Araneta
Disisais anyos pa lang noon si Glenda Araneta nang siya’y maging ganap na sexy star. Pinagbidahan niya ang ilang mga sexy film noong dekada otsenta gaya ng “Tuksuhin Natin ang Gabi” at “Room 69.” Matapos makaranas ng kasikatan, bakit nga ba biglang naghirap si Glenda? Kumusta na kaya siya makalipas ang maraming taon? Ngayong Martes, alamin ang kuwento ng buhay ni Glenda Araneta sa ‘Tunay na Buhay’ kasama ang panauhing host na si Mariz Umali.