Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alamin ang 'Tunay na Buhay' ni Dabarkads Ruby Rodriguez, ngayong hapon




 
Mahigit dalawampung taon nang ka-Dabarkads ang komedyanteng si Ruby Rodriguez. Isa siya sa mga orihinal na host ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga. Kasa-kasama rin siya ni Bossing Vic Sotto sa kanyang mga pelikula.

 




Pero ang buhay ni Ruby – hindi lang pala puro pagpapatawa at pagbibigay saya. May mga pagsubok din siyang pinagdadaanan gaya ng pagkakaroon ng anak na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD. Mayroon din mga pumupuna sa kanyang timbang.
 




Ngayong Martes, alamin ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Ruby Rodriguez, kasama si Rhea Santos.