Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ng You're My Foreignay na si Shine Kuk, panoorin ngayong Martes



 

Kagaya ng maraming Koreano, nagpunta ng Pilipinas si Son Yong Kuk para mag-aral ng wikang Ingles.


 

Pero dahil napamahal siya sa kulturang Pinoy, nagpasya siyang dito na manirahan. At ngayon nga, araw-araw na rin siyang napapanuod bilang co-host sa Eat Bulaga.
 


 

Ngayong Martes, kilalanin natin ang itinanghal na “You’re My Foreignay” grand winner na si Son Yong Kuk o mas kilala bilang si Shine Kuk, dito lang sa Tunay na Buhay.