Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ni Sheree Bautista


Kilalang siya bilang miyembro ng isa sa pinasikat na sexy groups ng bansa na 'Viva Hot Babes.' Maganda, sexy at puno ng karisma, siya si Sweet Faye Bautista o mas nakilala nating Sheree.

Single-mom at ngayon ay nalilinya sa paggawa ng mga musical shows kasama pa ang bago niyang mga hobby na pole dancing at painting.

Kilalanin ang sexy performer at hands on mom na si Sheree kasama si Rhea Santos ngayong Biyernes sa Tunay Na Buhay!