Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ni Rene Requiestas


Noong dekada '80 hanggang '90, isang komedyanteng nagngangalang Rene Requiestas ang minahal ng publiko. Bukod sa kanyang talento, sinasabing sa itsura pa lamang niya ay kuha na niya ang kiliti ng mga manonood.



Ang simpleng si Rene na nagtrabaho bilang construction worker at cigarette vendor, nakatrabaho ang mga malalaking artista at naging ka-loveteam pa ni si Kris Aquino sa serye ng pelikulang "Pido Dida". Naging sidekick naman siya ni Joey de Leon sa "Starzan", kung saan umusbong ang nakakatawang karakter ni Rene na si "Cheeta-eh.”
 
Pumatok ang kanyang showbiz career ngunit agad naman itong tinapos ng isang sakit. Taong 1993 ay pumanaw na si Rene Requiestas.


 
Ngayong Lunes, samahan si Rhea Santos na sariwain ang kanyang alaala, at kilalanin pa siyang lubusan mula sa mga mata ng kanyang mga naiwang kamag-anak, katrabaho, at kaibigan. Matapos ang dalawang dekada ng kanyang pagpanaw, balikan natin ang Tunay na Buhay ng nag-iisang Rene Requiestas.