Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ng mga beauty queens na sina Evangeline Pascual at Megan Young


Tunay na Buhay: Evangeline Pascual at Megan Young
Airing date: October 19, 2013

Beauty and brains. Ito na nga raw ang dalawang  katangian ng sa isang beauty queen.


Ngunit sa nagdaang Miss World coronation night, pinatunayan ng kauna-unahan na itinanghal bilang Miss World na ang kagandahan at dunong ay hindi sapat kung walang adhikain sa bayan na matapat.


Sa kanyang pagiging makabayan, hindi lang ang buong Pilipinas ang kanyang napahanga. Kasama si Rhea Santos, mas kilalanin pa natin si Miss World 2013 Megan Lynn Young sa likod ng koronang nakaputong sa kanya at malayo sa ningning ng mga kamera.


 
Dati siyang 1st runner up ng 1973 Miss World. Pero nang ma-disqualify ang winner at inililipat sa kaniya ang korona, tinanggihan niya ito bilang protesta sa aniya’y di patas na desisyon ng mga hurado. Pagkatapos ng kompetisyon, nakilalala siya bilang magaling na aktres at radio host na nagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig at buhay. Sa kasalukuyan, isang ina, estudyante at pintor.


Alamin ang kuwento ng tunay na buhay ng dapat sana'y una nating Miss World na si Ms. Evangeline Pascual sa 'Tunay na Buhay' ng GMA-7, Sabado (Oktubre 19), 10:20 PM.