Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay Na Buhay' ni Alyssa Alano


Una siyang napansin sa pagkanta ng mali-maling lyrics ng hit song na “Kiss Me” na kumalat at naging viral sa internet.  Siya si Alyssa Alano o Germie Daud sa totoong buhay. Ipinanganak sa Zamboanga pero lumaki sa Tarlac kasama ang kanyang Tita. Hindi niya nakilala ang kanyang tatay dahil iniwan sila nito noong siya’y bata pa. High school lang ang kanyang natapos kaya nagsumikap siya para makuha ang kanyang mga pangarap.   Noong nakaraang buwan, nasangkot si Alyssa sa isang aksidente na muntik na ikinapahamak ng kanyang buhay. Ngayong Sabado, kumustahin natin ang kondisyon ni Alyssa at tuklasin natin ang kanyang Tunay na Buhay.

Tags: TunayNaBuhay