Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Tunay na Buhay' ng mga taong nagbibigay-katatakutan sa telebisyon at pelikula


May tangkad na 7’3”, si Raul ang suki sa mga roles ng pagiging kapre, higante o Frankenstein.Ilan sa mga pelikulang kanyang natampukan ay ang Ang Agimat: Anting-anting ni Lolo at ang Super Inday and the Golden Bibe.  Pero ang katangian na naging tiket niya sa showbiz, ay ang katangian din na kinukutya ng mga tao sa labas ng pelikula. Natutunan na niyang wag pansinin ang mga ito. Kung may isang tao raw na sana’y makapansin sa kanya, ito raw ang kanyang ina. Bata pa lang daw kasi siya, iniwan na raw sila nito. Kahit pa madalas daw  ang kanyang mga proyekto, hanggang ngayon, hindi pa rin nagpaparamdam  ang kanyang ina.
 
Kung hangarin na mahanap ang ina ang patuloy na nagtutulak kay Raul na lumabas sa telebisyon at pelikula, ang pagkawala naman ng asawa ang naging dahilan ni Cecille Baun para gumawa ng mga prostethics para sa mga horror films at TV shows. Si Cecille ang mahikerong nagbabago ng anyo ng mga artista para sa mga nakakatakot na roles na ginagampanan nila. Sa edad na 77, hindi namabilang ang kanyang mga proyekto, at wala pa siyang balak magretiro.  Samahan niyo kaming saksihan ang kwento ni Cecille Baun at Raul Dillo sa likod ng kanilang mga maskara.  Tunay na Buhay, sabado ng gabi pagkatapos ng Kapuso Movie Night.
 
Tags: plug,