Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Special Replay: Ang 'Tunay Na Buhay' ni Marian Rivera
Special Replay: Marian Rivera Air date: September 8, 2012 ‘Marimar’, ‘Darna’, ‘Dyesebel’, ‘Amaya’ at marami pang di-malilimutang karater sa mga telefantasya sa telebisyon. Sino nga ba naman ang hindi nakakakakila sa isang Marian Rivera? Tubong Cavite, half-Spanish half-Filipino si Marian na isa sa pinakamaningning na bituin ngayon sa mundo ng showbiz. Sa isang bibihirang one-on-one interview, ikukuwento ni Marian kay Rhea Santos ang naiibang side ng kanyang buhay na hindi pa halos naisisiwalat sa publiko. Abangan ang unang pagkakataong makapasok sa bahay na kinalakhan ni Marian sa Cavite, ang kauna-unahang interview ng kanyang nanay at lola, ang bago niyang pinagkakaabalahan para manatiling sexy at ang mga investment ni Marian na naipundar niya sa halos limang taong pag-aartista. Papaano nga ba nagsimula ang isang Marian Rivera? Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanang hirap? Paano niya unti-unting tinupad ang kanyang mga pangarap? Ngayong Sabado sa ‘Tunay na Buhay’, samahan ninyo kaming kilalanin pa nang lubusan ang nag-iisang phenomenal star ng Kapuso network.
‘Marimar, ‘Darna’, ‘Dyesebel’, ‘Amaya’ and other memorable telefantasya characters on television. Who doesn’t know Marian Rivera? Cavite-born, half-Spanish, half-Filipino Marian is no doubt one of the brightest stars in Philippine showbiz today. In a rare one-on-one interview, Marian bares to Rhea Santos the side of her life that is seldom shown or discussed in public. Take a peek at the house in Cavite where Marian grew up in, listen to the first-ever interview of Marian’s mother and grandma, get to know Marian’s sexy workout regimen, and discover what Marian has built with her almost 5-year showbiz career. How did she start in show business? How did she slowly fulfill all her dreams? This Saturday, on Tunay na Buhay, join us as we get to know her more, the one and only phenomenal Kapuso star, Marian Rivera.
Tags: plug, marianrivera
More Videos
Most Popular