Ang 'Tunay Na Buhay' ni Aiza Seguerra ngayong Sabado
Sa murang edad, napasok na niya ang mundo ng showbiz bilang contestant sa Little Ms. Philippines ng Eat Bulaga noong 1987. Hindi man siya ang nanalo, kinakitaan agad siya ng talento at karisma na naging tulay upang maging parte siya ng Eat Bulaga at makasama ang Tito, Vic and Joey sa ilang mga pelikula nito. Sa nakaraang mga taon, nakilala naman siya sa larangan ng musika nang mag-hit ang kanyang awiting 'Pagdating ng Panahon'. Siya si Aiza Seguerra, batikang aktres, composer, at singer na matapang na nagpakatotoo sa kanyang pananaw at sekswalidad. Ngayong taon, ipagdiriwang niya ang kanyang ika-25 taon sa industriya. Alamin natin ang kuwento ng kanyang mga pangarap, kabiguan at paglaban sa buhay. Alamin ang kanyang kuwento ngayong Sabado dito lang sa Tunay na Buhay!
--
At a tender age, she entered showbiz as a contestant of Little Miss Philippines of Eat Bulaga in 1987. Although she didn’t win, the producers discovered her talent and charisma that paved the way to a career in the movies where she starred with Tito, Vic and Joey. In recent years, she has carved a name in the music industry with her hit song ‘Pagdating ng Panahon’. She is Aiza Seguerra, noted actress, composer and singer who bravely stood by her beliefs and sexuality. This year, she is celebrating her 25th year in the industry. Get to know the stories of her dreams, failures and struggles. Get to know her real life story, this Saturday on ‘Tunay na Buhay.’