Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sen. Lito Lapid sa Tunay na Buhay


TUNAY NA BUHAY Airing June 15, 2012 Ilan ba sa mga batikang action stars natin ang gumagawa ng sarili nilang makapigil-hiningang eksena sa pelikula? Isa na rito ang nag-iisang si Lito Lapid, ang hinirang na ‘The King of Stunts’ ng pelikulang Pilipino. Pinasok niya ang mundo ng showbiz  bilang isang ‘stunt double.’ Mula sa pa-ekstra ekstra at maliliit niyang roles, sumikat siya at binansagang ‘Leon Guerero,’ isa lamang sa halos isang daang pelikulang ginawa niya. Di maikakailang sumikat siya sa kanyang henerasyon pero nagulat ang marami nang pasukin naman niya ang mundo ng pulitika, kahit high school lang ang kanyang natapos. Balikan ang mga kapana-panabik na yugto ng buhay ng nag-iisang Lito Lapid ngayong sa ‘Tunay Na Buhay.’
Tags: plug