Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tunay na Buhay ni Chef Boy Logro


TUNAY NA BUHAY: CHEF BOY LOGRO
Airing June 8, 2012  
Mula sa pagiging isang house boy ay naging kauna-unahan siyang Executive Chef sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na lahat ay possible kung ikaw ay magsusumikap at mananalig sa Diyos. Siya si Chef Pablo ‘Boy’ Logro, ang nagpasikat ng mga katagang ‘Yum, Yum, Yum’ at ‘Ping, Ping, Ping’ sa kaniyang mga sikat na cooking shows. Pero bago pa man siya naging instant TV star, dati siyang nagmasa ng siopao sa isang retaurant. Dahil sa pagtitiyaga, unti-unti niyang naabot ang kanyang mga pangarap. Sikat man ngayon at nakakaangat na sa buhay, hindi pa rin nakakalimot si Chef Boy sa kanyang pinanggalingan. Tuklasin ang mga hindi pa nalalamang kuwento tulad ng pagkahilig sa pamamaril sa shooting range at iba pang sikreto sa buhay ni Chef Boy ngayong Biyernes na pagkatapos ng Saksi dito lang sa ‘Tunay na Buhay’.