ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Tribute to Inspiring Mothers!"
Episode on May 13, 2011 Friday after Saksi! LARIZA GARCIA-TANGALIN: INA NG MGA ALAGAD NG SINING Lariza Garcia was only six years old when she started plying the streets of Divisoria to sell plastic bags. In highschool, she sold viands and ladiesâ bags in Baclaran. In college, she was also a working student at the PUP. All of her hardships paid off when all her five children grew up to be artistically-inclined. Two are seasoned violinists and two are ballerinas. The youngest whoâs now a fourth grader at the Ateneo is into fencing and also plays the piano. Through the years, Larisa has built her own house and a row of apartment and bought some vehicles. Whatâs the secret to success of this great mother? RINA REYES She is the granddaughter of the 40s star Paraluman, and not surprisingly, she takes after her when it comes to acting on film and theater. She was only nine years old when she first appeared in a movie, âClass of 1991â where she was nominated for Best Supporting actress. Rina is also a mom who has two daughters who are also into acting. In fact, she has done a play with one of her kids. But life, as in her movies, was not always a bed of roses for Rina. Her greatest challenge was when her husband, Ian Reyes, succumbed to lung cancer and she has to support her children on her own. Get to know her true story this Friday, on Tunay na Buhay, after Saksi.
LARIZA GARCIA-TANGALIN: INA NG MGA ALAGAD NG SINING Anim na taong gulang pa lang si Lariza Garcia nang magsimulang maglibot sa Divisoria para magtinda at maglako ng plastic bag. Pagtitinda naman ng ulam at ladiesâ bags sa Baclaran ang pinagkakitaan niya noong highschool. Naging working student din siya sa PUP. Sa lahat ng pagsisikap ni Lariza, hindi lang doble ang inani niya kundi limang mga anak na lahat ay may angking talento sa sining. Dalawa sa kanila ang magaling na violinist habang ang dalawa pa ay kapwa ballerina. Ang kanyang bunso naman, grade 4 sa Ateneo at nagpapakabihasa sa fencing at pagtugtog ng piano. Sa ngayon, nakapundar na rin si Lariza ng sariling bahay, paupahan at sasakyan. Ano ang sikreto ng kanyang tagumpay at pagiging isang dakilang ina? RINA REYES Apo ng sikat na aktres noong dekada 40 na si Paraluman, kaya naman hindi nakapagtatakang namana ni Rina Reyes ang kanyang husay sa pag-arte sa pelikula man o sa teatro. Siyam na taong gulang lang siya nang pasukin ang showbusiness at sa pelikula niyang Class of 91, naging nominado pa siya bilang Best Supporting Actress. Sa likod ng kasikatan, isang ina rin si Rina sa kanyang dalawang anak na biniyayaan din ng talento sa pag-arte. Sa katunayan, nakasama pa ni Rina ang isa sa kanila sa isang stage play. Pero katulad ng mga istorya sa pelikula, hindi rin palaging masaya ang naging buhay ni Rina. Hinarap niya ang pinakamalaking pagsubok nang pumanaw ang kanyang asawang si Ian Reyes dahil sa sakit na lung cancer. Magmula noon, solo na niyang itinaguyod ang kanyang mga anak. Alamin ang Tunay na Buhay nina at Rina Reyes ngayong Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular