Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

SB19, sasalang sa mga kuwelang challenge ni Igan sa 'TWAC' ngayong Miyerkules!


 

 
Ngayong Miyerkules, ang TWAC center stage ala K-pop ang dating! Ang bibida kasi kasama ni Igan Arnold Clavio, walang iba kundi ang phenomenal P-pop group na SB19 (Sound Break 19)! Sila ang kauna-unahang grupong Pinoy na sinanay sa pamantayang ginamit ng mga sikat na K-pop artists.
 

Game na sasabak sa P-pop kantahan at sayawan sina Sejun, Josh, Justin, Ken at Stell! Tuturuan pa nila si Igan ng ilang ilang certified P-pop moves.

Masusubok naman ang galing ng SB19 sa Korean music sa ‘Name that K-pop Tune’ at mabubuko na ang kanilang mga itinatagong P-pop secrets sa ‘Nasubukan Mo Na Ba?’!

Sa ultimate TWAC Dance Challenge naman, ang mga iconic Pinoy dance music, sayawin ng SB19 K-pop style!

Tutok na ngayong Wednesday, 7:15pm sa GMA News TV!

 

 

Tags: sb19, twac, igan