MaAGAng birthday celebration ni Igan sa 'Tonight with Arnold Clavio'
OCTOBER 30, 2019
MA-AGANG BIRTHDAY CELEBRATION NI IGAN!
Ngayong Wednesday night, imbitado kayong lahat sa masaya at ma-Aga na birthday celebration ni Igan! Dahil ang makikisalo sa kasiyahan ay ang showbiz icon na matagal na niyang gusto ma-interview – walang iba kundi ang ultimate leading man at multi-awarded dramatic actor na si Aga Muhlach!
Finally, after nine years ay makakapanayam na ni Igan ang minsang itinuring na most bankable actor sa Philippine entertainment industry. Mapipigilan kaya niya ang sarili sa pagiging “fan boy?”
At dahil unang pagkakataon itong maghaharap sina Igan at Aga, siyempre, mas kikilalanin pa natin ang matinee idol sa isang cute game. Pag-uusapan ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Aga gaya ng asawang si Charlene at ng kanyang mga kambal na anak na sina Atasha at Andres.
Sa laro naman na Sino?, ire-reveal ni Aga kung sino ang kanyang naging first crush, first love at first kiss! At mas mauungkat pa natin ang pagiging feeling bagets ni Aga sa question and answer portion tungkol sa mga uso noon at ngayon! Ano kaya ang mas gusto niya? Love letter, o text message na lang? Alin naman ang mas enjoy siya, ang mag-shopping sa mall o mag-shopping online? Mas gusto pa rin ba niya ang mga larong kalye, o mas natutuwa siya sa video games? Panoorin ‘yan!
At siyempre, sasabak din si Aga sa tatak-TWAC ding game na Nasubukan Mo Na Ba? kung saan malalaman natin na isa rin siyang simpleng Pilipino. Abangan ‘yan!
Huwag palampasin ang masaya at maagang birthday party ni Igan ngayong Miyerkules, 7:15 ng gabi sa GMA News TV!