Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Tatlong comedians, makikipagkulitan sa 'TWAC'


 

 

UNLI-TAWANAN AT KANTAHAN SA 9 YEARS NG TWAC!

Siyam na taon nang naghahatid ng musika, tawanan at masarap na kwentuhan ang Tonight with Arnold Clavio!

At bilang pauna sa maraming espesyal na episodes ng TWAC ngayong Abril at Mayo,  unli-tawanan ang handog namin sa inyo ngayong April 10 at 17 kasama ang mga batikang komedyante na BFF daw in real life --- Sina Ate Gay, Boobsie at Boobay!

Sa unang segment pa lang, hahagalpak na kayo sa kanilang dance number at jokes!

Iku-kwento rin nila paano slla naging malapit na magkakaibigan! Totoo bang hindi magka-vibes sina Ate Gay at Boobay noon?

Sa segment na Sino?, mabubuking na kung sino sa kanila ang pinakamainitin ang ulo, pinakamaluho, pinakapikon, pinaka-bully at kung anu-ano pa.

Maya-maya, mapupunta rin sila sa seryosong usapan dahil sasagot sila sa mga tanong tungkol sa ilang karaniwan pero mabibigat na problema.

Samantala, itotodo rin natin ang saya sa pamamagitan ng mga laro, sino kaya sa tatlo ang mananalo sa mga challenge na Shoot the Straw at Pingpong Cup? Abangan!

Kalimutan muna ang problema, makisaya at makitawa sa Tonight with Arnold Clavio, Miyerkules, 10:15pm sa GMA News TV!

Para sumali sa kwentuhan online, i-follow ang aming social media accounts at gamitin ang #TWACJokeTime