Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Regine Velasquez-Alcasid, makikisaya sa 6th Anniversary ng 'Tonight With Arnold Clavio'


 

REGINE VELASQUEZ-ALCASID SA PAGPAPATULOY NG ANIBERSARYO NG TWAC

Tuluy-tuloy ang selebrasyon ng ika-anim na taon ng Tonight with Arnold Clavio, sa paghahatid ng masaya at makabuluhang kwentuhan kasama ang pinakamalalaking personalidad sa bansa!

At para sa ikalawang bugso ng anibersaryo ng TWAC, walang iba kundi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang magbabahagi ng mga eksklusibong kwento, makikipagkulitan, at siyempre, makikipagbiritan kasama si igan Arnold Clavio!

Balik-telebisyon na nga si Regine sa kanyang bagong primetime teleserye na “Poor Senyorita” na mapapanood na ngayong Marso. Bagay na bagay sa kanya ang naturang teleserye dahil sa tema nitong “romantic comedy,”. Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ni Regine dahil gabi-gabi na naman siyang maghahatid ng kilig at tawanan!

Magiliw rin ibinahagi ni Regine kay igan Arnold Clavio ang sikreto ng matamis nilang pagsasamahan ni Ogie Alcasid. Puno nga raw ng biruan at “light moments” ang kanilang pagsasama, at halos hindi nga raw sila nag-aaway. Ngunit may mga ibabahagi rin syang kwento na magpapatunay na hindi lang  kasiyahan ang nagpatibay sa samahan nilang dalawa ni Ogie.

Sa pagiging “mommy” ni Nate, kumusta naman kaya si Regine? Aaminin ng Songbird na siya raw ang mas nagdidisiplina sa 4 na taong gulang na anak, kumpara kay Ogie.

Iyan at iba pang eksklusibong kwento ang inyong malalaman mula sa nag-iisang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ngayong Miyerkules, sa mas pinalakas at mas pinasayang Tonight with Arnold Clavio!

 

 

 

Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter:@twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC