Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

The Atom Araullo Specials: Write to Vote, ngayong Linggo, sa GMA Network!


 

 
THE ATOM ARAULLO SPECIALS
Episode Title: WRITE TO VOTE
Airing Date: March 20, 2022, 2PM
 
 

 

Dalawang buwan na lang at muling boboto ang mga Pilipino na magiging simula ng bagong kabanata ng ating kasaysayan. Pero higit sa ingay ng kampanya at kung sino ang papalaring manalo, mas mahalagang tanong kung paano haharapin ng mga bagong lider ng bansa ang mga problemang kailangan nilang tugunan.

 

 

 
 
Dumayo si Atom Araullo sa pinakadulong bahagi at isa sa mga pinakamahirap na probinsya sa Pilipinas-- ang Tawi-Tawi. Sa gitna ng kahirapan, ang 50 taong gulang at volunteer teacher na si Kansida Arances o Teacher Sidang ay matiyagang umaakyat sa stilt houses doon para magturo sa mga bata maging sa kanilang mga magulang. Sakay ng isang bangka, dalawampu’t isa hanggang dalawampu't limang nakalutang na mga bahay ang binibisita niya kada linggo at ito ang nagsisilbi nilang silid-aralan. Isa sa mga estudyante ni Teacher Sidang ang pitong taong gulang na si Marsila. Pangarap niyang maging guro at maagang ginagampanan ang tungkuling ito sa kanyang mga magulang.
 
 

 

Isa rin sa mga masugid na nakikinig kay Teacher Sidang ang mangingisda at seaweed farmer na si Sali. Sinasamahan niya ang kaniyang mga anak dahil gusto niyang mas matutong sumulat at bumasa kasabay ng mga bata. Magagamit daw nila ang kaalamang ito sa pagboto sa mga susunod na eleksyon at ayaw niyang mangyari sa mga anak niya ang pakiwari niya'y panlolokong nararanasan niya noon. Dati rati, kailangan pang may mag-assist sa kaniya para makaboto at  hinala raw niya'y hindi tamang pangalan ng kandidato ang nailalagay sa kaniyang balota.
 
 

 

Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon sa darating na Mayo, nais ni Sali na siya mismo ang makaboto. Ang pangarap na makahawak ng panulat at mabasa ang mga pangalan sa balota-- tila nakalutang na pangarap pa rin ng iba pang Pilipinong salat sa edukasyon.

 

 

 
Samahan si Atom Araullo na pasukin ang isa sa mga pangunahing isyung dapat tugunan ng susunod na lider ng bansa-- ang sektor ng edukasyon at ang sanga-sanga pang problema ng lipunan  na patuloy na nagpapalubog sa maraming Pilipino.

Abangan ang dokumentaryong "Write To Vote" ngayong March 20, 2022 sa The Atom Araullo Specials, 2PM sa GMA.#

English
In two months, Filipinos will come together to cast their votes and start a new chapter of our history. But how will the new leaders face the seemingly old problems of our society?
Atom Araullo embarks on a journey to Tawi-Tawi, the southernmost and one of the poorest provinces in the Philippines. Amidst adversity, a 50-year-old volunteer teacher, Kansida Arances patiently goes to stilt houses to teach children and their parents. Riding a boat, she visits 21-25 floating houses each week that serve as their unconventional classrooms. 7-year-old Marsila is one of her students who also dreams of becoming a teacher. As early as now, she imparts every learning to her parents.
One of Teacher Sidang’s adult learners, Sali, wants to further enhance his reading and writing skills so he can exercise his right to vote, a dream that he wants to pass on to his children.  In the past elections, he can only do it if someone assists him to cast his ballot, uncertain if the right names of the candidates are submitted accordingly.

For the first time in May, Sali dreams to vote by himself.

Join Atom Araullo as he delves into one of the main issues that the country’s next leader must address—the education sector and the social issues entangled in this plight. "The Atom Araullo Specials: Write To Vote" airs on March 20, 2022, 2PM on GMA.#