Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'The Atom Araullo Specials'

'Krisis ng Sikmura,' mapapanood na ngayong Linggo!


 

KRISIS NG SIKMURA: THE ATOM ARAULLO SPECIALS

March 21, 2021, Sunday, 1:45 PM

Mahigit isang taon na ang nakalilipas simula nang pilayin ng coronavirus disease ang mundo. Hindi lang ito kumitil ng buhay, pinatay rin nito ang kabuhayan ng marami.

Sa kabila nang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa, patuloy na lumalaban ang pamilyang Pilipino para makaraos sa bawat araw.

At dulot din nang pagtaas ng mga bilihin, ang dating nakakaraos noon kasama na rin sa nakararanas ng gutom ngayon.

Samahan si Atom Araullo na kilalanin ang mga kababayan natin sa lungsod tulad sa Aroma, Tondo na matagal nang umaasa sa pagkain ng “pagpag”. Matapos magsara ng ilang restaurant at junkshop dahil sa lockdown and quarantine, naging pahirapan ang paghahanap ng mga tirang pagkain sa basura. Sa Caloocan naman, ang isdang gurami mula sa canal o sapa na malapit sa kanilang bahay ang siyang naging pang-laman tiyan ng mga pamilyang nagugutom doon.

Samantalang ang ating magsasaka at mangingisda sa Camarines Norte na siyang nagpapakain din sa bansa ay nakararanas na rin ng matinding gutom.

Makakasama rin ni Atom ang ilang lider ng komunidad at organisasyon na naglunsad ng mga pangmatagalang solusyon para tuluyang mahinto na ang pagkalam ng sikmura sa bansa.

Panoorin ang Krisis ng Sikmura sa The Atom Araullo Specials, ngayong linggo, March 21, 2021, 1:45 pm, sa GMA-7.


English version:

It has been more than a year since the coronavirus disease has tremendously impacted the world, killing both people and sources of livelihood.

In light of the increasing number of COVID-19 cases in the country, Filipino families are fighting to survive each day. And due to price hikes of some basic commodities, even those who are living a decent life before are now experiencing hunger.

Join Atom Araullo in his journey to get to know the people in the metro like the residents of Aroma, Tondo who are dependent on eating “pagpag” or food scraps. After the closure of restaurants and junk shops due to the lockdown, the search for leftover food from the garbage became hard. In Caloocan, one of the sources of food for starving families is catching gurami fish from gutters or streams near their homes.

Ironically, farmers and fisherfolk in Camarines Norte who are feeding the country are now experiencing extreme hunger. Atom will also get to know some leaders in the community and of organizations who launched sustainable solutions to eradicate hunger in the country.