I Juander, ano-ano ang makabagong gamit ng buri, rattan at pandan sa bayan ni Juan?
I JUANDER, ANO-ANO ANG MAKABAGONG GAMIT NG BURI, RATTAN AT PANDAN SA BAYAN NI JUAN?
Ang mga kagamitan na nauso noong panahon nina lolo't lola, may return of the comeback!
Gaya ng tradisyunal na bayong na kadalasang ginagamit noon sa pamamalengke, binigyan ni Aileen ng bagong bihis at kulay. Ngayon, puwede na rin daw i-rampa at nakarating na rin ng Canada, USA at iba pang bansa ang kanyang modern bayong.
Bago pa man ipakilala ng mga Espanyol ang paggamit ng maleta, tampipi ang tradisyunal na sisidlan ni Juan ng kanyang mga damit. Bagama't tila napaglumaan na ng panahon, muli naman itong pinasikat ng isang kainan sa Laguna. Ang kanilang pizza, imbis kasi na sa kahon, sa tampipi raw nakalagay kapag idine-deliver. Kaya ang tawag ditto, “Tampi-pizza.” I Juander, saan nga ba nila nakuha ang ideya na gamitin ito bilang food packaging?
Team rattan, represent! Kung kadalasan basket lang ang gawa sa rattan, sa bahay daw ni Jimmie, mula sa upuan, mesa at iba pang kasangkapan, lahat gawa sa rattan. Ngayon, pinagkakakitaan niya ang paggawa ng mga ito at adbokasiya rin niyang buhayin ang dating masiglang industriya ng rattan sa kanilang lugar.
Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano ang makabagong gamit ng buri, rattan at pandan sa bayan ni Juan?
ENGLISH:
Filipino works made of pandan and rattan will be given a new touch of designs and creative look by our Ka-Juanders. From simple boxes, containers and other hand-crafted bags, the creativity of the Filipino can be seen in their products. One of the buri and rattan products is the “Tampipi” that is used by our grandparents as a wardrobe box. Now it has a new function as a reusable container for a special pizza. Even the plain bayong bag was modernized by our Ka-Juander from Pampanga.