‘Laban, Laban! — Life after Sexbomb’ ngayong Linggo sa ‘Stories of Hope’
STORIES OF HOPE: “LABAN, LABAN! — Life after Sexbomb”
August 29, Linggo ng hapon, 4:35 PM sa GMA
Taong 1999 nang sumabog ang Sexbomb Girls sa Pilipinas. Nagsimula sila bilang mga backup dancers sa Eat Bulaga. Naging mainstays sila doon at di nagtagal ay pinasok din ang pagkanta, pag-arte sa mga pelikula, at hosting. Matapos ang higit 20 taon, nag-iba na ang mga miyembro at management. Hindi na rin gaano lumalabas sa telebisyon ang Sexbomb.
Pero ang sabi nga nila, "once a Sexbomb, always a Sexbomb". Kinumusta ng Stories of Hope ang apat sa mga naunang Sexbomb Girls — si Aira Bermudez (2000–2017), Louis Bolton (2004–2016), Johlan Veluz (2002–2013), at Mhyca Bautista (2004–2014).
Papaano ang buhay pag-alis sa pinakasikat na female dance group? Ang kuwento ng Sexbomb Girls noon at ngayon ay kuwento ng sipag, kayod, at laban.
Tunghayan ang kanilang kuwento sa ‘Laban, Laban!— Life after Sexbomb’ sa ‘Stories of Hope’ ngayong Linggo, 4:35 PM sa GMA!