Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ilang kwento ng pagtulong sa kapwa sa 'Rescue'
Sa Rescue, naniniwala kami na kahit sino, pwedeng tumulong. Kaya naman aming itinampok ang mga simpleng mamamayan na tumulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya. Patunay na rito ang istorya ni Loloy, dalawampu't pitong gulang na may Down Syndrome. Ayon sa isang saksi, bigla na lang siyang sumakay ng bus at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan. Masuwerte namang natagpuan siya ng isang tricycle driver na nagmagandang loob na dalhin siya sa barangay para matunton ang kaniyang pamilya. Noong Enero naman, sa Pista ng Sto. Niño sa Tondo, isang lasing ang nasagasaan ng trailer truck sa Road 10. Mabuti na lang, isang concerned citizen ang napadaan at hindi lang basta naki-usyoso. Nagkusa siyang dalhin sa ospital ang biktima at hindi iniwan hangga't hindi maayos ang kanyang lagay. Abot langit din ang pasasalamat ng isang biktima ng motorcycle accident sa Bulacan. Isang staff kasi ng barangay ang napadaan sa pinangyarihan ng aksidente at kahit off duty, hindi siya nag-atubiling humingi ng tulong para mailigtas mula sa peligro ang biktima. Naging inspirasyon niya raw ang anak niyana nagmamaneho rin ng motorsiklo na nanaisin niya ring may tumulong sakaling maipit sa peligro. Ang mga tumulong at natulungan, pagtatagpuin ng Rescue ngayong Huwebes. Samahan si Igan Arnold Clavio na saksihan ang kabayanihan ng mga ordinaryong tao na may mabuting kalooban.
Tags: plug
More Videos
Most Popular