Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
911 On Call Baguio City Rescue team tampok sa 'Rescue'
RESCUE 911 On call Baguio City Rescue Airing Date: November 8, 2012 Halos araw-araw, mayroong aksidente sa lungsod ng Baguio. Dahil dito, isang grupo ng volunteers ang nagtayo ng 911On Call Baguio City Rescue noong 2006. Sa paglipas ng panahon, umabot na sa daan-daang volunteers ang miyembro ng rescue team na patuloy na rumeresponde sa mga nangangailangn ng tulong. Sa anim na taong pagresponde ng grupo sa mga aksidente, minsan na rin silang nalagay sa bingit ng kapahamakan. Marso nitong taon nang makabanggaan ng ambulansiya ng 911 ang isang ten-wheeler truck sa Villasis, Pangasinan. Pabalik na sana noon sa Baguio City ang rescue team matapos maghatid ng pasyente. Sa lakas ng banggaan, agaw-buhay ang apat na rescue volunteers na sakay ng ambulansiya. Ang kanilang driver, naputulan ng paa dahil sa matinding pagkakaipit. Hindi na siya umabot ng buhay sa ospital. Sa kabila ng masaklap na pangyayari, hindi natinag ang grupo sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo para sa mga residente. Noong nakaraang buwan, tinupok ng apoy ang ilang ancestral house na dekada singkwenta pa nang maitayo. Ito na ang pinakamalaking sunog sa lungsod ngayong taon na umabot sa third alarm. Dalawa ang sugatan dahil sa insidente. Sa gitna ng trahedya, nangibabaw ang bayanihan sa magkakapitbahay mula sa pagtutulungan sa pag-apula ng apoy hanggang sa pagdamay sa mga nasunugan. Ang kuwento ng 911 On Call Baguio City Rescue at ang maaksyon nilang pagresponde sa sunog ngayong Huwebes ng gabi sa Rescue pagkatapos ng Saksi!
More Videos
Most Popular