Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Dahil sa tsismis' at 'love knows no boundaries,' tatalakayin ngayong Linggo sa Reporter's Notebook


DAHIL SA TSISMIS

FEBRUARY 13, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV

Sa isang cellphone video, makikita ang rambulan ng ilang kababaihan. Ano nga ba ang pinagmulan ng gulo?

 

Ang pinagsimulan daw ng gulo ng magkakapitbahay, tsismis?!

 

Ang tsismis, may kabit ang asawa ni Rosiel!   Ang simpleng tsismis, minsan, umabot na sa pisikalan at sakitan.

 

Ang nangyaring gulo sa magkakapitbahay na ito, isa lang daw sa  halos labinlimang reklamo na inilalapit sa barangay kada buwan na ang pangunahing dahilan-- tsismis. Gamit na gamit nga raw rito ang salitang Marites o nauusong tawag ngayon sa mga taong mahilig sa tsismis.

 

Ang mga biktima ng mga paninira ay pwedeng magsampa ng kaso. Slander kung ang paninira ay ginawa sa pasalita o oral defamation. Libel kung ang paninira ay ginawa sa pagsulat. At cyberlibel kung ito ay ginawa online. Ang mga kasong ito ay may katapat na parusa kung napatunayang nalabag.
 

LOVE KNOWS NO BOUNDARIES

Makalipas ang sampung taong pagiging magkasintahan, iniharap sa bandana ng groom na si Jepoy ang kanyang bride na si Eyang. Si Eyang, isang transgender woman. Gerald Santos ang tunay niyang pangalan.

 


Dahil hindi pa legal sa bansa ang same sex marriage, pinamunuan ng isang pastor ang kanilang holy union ceremony. Pero bago pa man mauwi sa union ang relasyon ng dalawa, tutol ang mga magulang ni Eyang sa pagsasama nila ni Jepoy.

 

Gamit ang kanilang bisikleta, araw-araw na hinahatid ni Jojo Garote ang kaniyang asawang si Niña Calangian sa pinapasukang bahay. Isang little person si Niña. Kasama nila ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Rica Mae.

 

Sa kanilang pagbiyahe, may pagkakataon pa rin daw na nakatatanggap si Niña ng mga pangungutya. Hinusgahan din ang kanilang pagsasama. Pero hindi na ito alintana ni Niña.

 

Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw Linggo, February 13, 2022 9:15pm sa GTV.