Online utang at dumpster diver, tatalakayin ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook!
2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
ONLINE UTANG
JANUARY 23, 2022 / 9:15PM SA GTV
Paano kung sa araw-araw, halos putaktehin ka ng mga mensahe ng pamamahiya at pagbabanta? Sino ang iyong tatakbuhan?
Sa dami ng nagsulputang online lending applications, marami ang sumubok na mangutang. Pero ang ilan sa kanila, nagiging biktima raw ng harassment at pamamahiya. Ang iba, nakaranas pa ng pagbabanta at pagtatangka sa kanilang buhay tulad ni Patricia, hindi niya tunay na pangalan
DUMPSTER DIVER
JANUARY 23, 2022 / 9:15PM SA GTV
Ang fruit smoothie at home-made strawberry jam na ginagawa ng Pinay na si Aiza French mula sa Florida, USA, aakalain niyo bang galing lahat sa basurahan sa Amerika?
Nag-iikot si Aiza sa mga dumpster para mangolekta ng mga pagkain at iba’t-ibang gamit na pwede pang makain at mapakinabangan. Dumpster diving ang tawag nila rito. Ang mga pagkaing nakuha nila, itinapon na ng mga grocery stores dahil hindi na raw pwedeng ibenta.
Ang mga naipong pagkain ni Aiza, maituturing na food waste kung hindi nila kinuha. Tinatayang nasa 1.6 bilyong tonelada ng pagkain ang nasasayang kada taon sa buong mundo. Kaya sana nitong magpakain ng mahigit halos dalawang bilyong indibidwal sa buong mundo.
Paano nga ba masosolusyunan ang problema sa foodwaste?
Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong timeslot, Linggo, January 23, 2022 9:15pm sa GTV.