Ano ang aksyon ng gobyerno sa patuloy na tensyon sa West Philippine Sea?
2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
YAMAN NG KARAGATAN
DECEMBER 2, 2021 / 10:30AM SA GTV
Sa ilalim ng West Philippine Sea, may mga lamang dagat na tila nag-aagawan ng teritoryo. Pero ang ganitong eksena hindi lang sa ilalim ng dagat nangyayari. Dahil sa ibabaw ng tubig, may mas kritikal na agawan.
Isa rin sa dinarayo ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ang Reed Bank o Recto Bank. May layo itong 80 nautical miles mula sa Palawan – pasok sa 200 nautical miles na Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Dito madalas pumapalaot ang grupo nina kapitan Junel Insigne.
Pero isang karanasang ang hindi raw nila malilimutan. June 2019 nang banggain ng isang Chinese vessel ang fishing vessel na GemVir uno sakay sina kap Junel. Tumaob ang sinasakyan nilang bangka at iniwan silang palutang-lutang. Mabuti na lang at isang Vietnamese vessel ang sumagip sa kanila.
Dalawang taon ang lumipas mula nang mangyari ang insidente, kinamusta namin si kapitan Junel. Naghahanda sila sa kanilang paglaot. Mula nang magsimula ang pandemya, ito ang unang pagkakataon na maidodokumento namin ang Recto Bank. Habang nangingisda ang grupo nina kapitan Junel, may namataan sila, isang malaking bangka na pamilyar na raw sa kanila.
Pero hindi lang ang ating mga mangingisda ang nakararanas ng panggigipit mula sa mga Chinese vessel na nasa West Philippine Sea. Nito lang November 16, 2021 dalawang bangka ng Pilipinas na magbibigay sana ng suplay sa mga sundalo sa Ayungin Shoal ang hinarang at binomba ng tubig ng dalawang Chinese Coast Guard ship.
Abangan ang buong kuwento ng “YAMAN NG KARAGATAN” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, December 2, 2021 10:30am sa GTV bago mag Balitanghali.