Minimum wage ng isang manggagawang Pilipino, sapat nga ba ngayong patuloy ang price hike ng ilang produkto?
2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
BULSA NI JUAN
NOVEMBER 4, 2021 , 10:30AM SA GTV
Sa bawat kusinang abala sa paghahain ng masasarap na pagkain, iba-iba ang kwento ng mga taong nasa likod nito. Pero sa nakalipas na linggo, patuloy ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin. Paano nga ba pinagkakasya ang laman ng bulsa ng ordinaryong mamamayan?
537 pesos ang minimum wage o sweldo ng karaniwang manggagawa dito sa Metro Manila. Ang tanong, sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin ngayon, saan aabot ang 537 pesos sa isang araw? Lilibutin ni Maki Pulido ang Commonwealth Market para alamin kung ano ang mabibili ng budget na ito.
Sasamahan naman ni Jun Veneracion ang carinderia owner na si Boyet Iringan sa pagbu-budget ng 2,000 pesos para makabili ng ilang rekado at sangkap sa kanyang kainan.
Dating chef sa isang restaurant si Boyet pero dahil sa pandemya kinailangan silang tanggalin sa trabaho. Kaya ngayon katulong ang kanyang asawa, pilit silang bumabangon sa pamamagitan ng paghahain at pagbebenta ng ilan sa mga specialty ni Boyet sa abot-kayang halaga.
Sa mga nakalipas na linggo, milyon-milyong halaga ng smuggled na gulay ang nasabat ng Bureau of Customs sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ang mga smuggled product, malamang daw ay sa palengke ang bagsak. Pero malaki raw ang epekto nito sa mga mamimili lalo na sa mga lokal na magsasaka. Higit na mas mura kasi ang mga smuggled na produkto.
Abangan ang buong kuwento ng “BULSA NI JUAN” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, November 4, 2021 10:30 am sa GTV bago mag-Balitanghali.