Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pang-aabuso sa mga OFW, paano matutugunan?


 


 

BANGUNGOT SA IBAYONG DAGAT
SEPTEMBER 2, 2021

 


 

 

Gamit ang kanyang cellphone camera, nakunan ng Overseas Filipino Worker o OFW sa Dammam, Saudi Arabia na itatago namin sa pangalang Amanda ang ginawang pang-aabuso sa kanya ng isa sa kanyang mga amo nito lang June 7, 2021. Hindi ito ang unang pagkakataon na minolestiya sa parehong pamamahay. Dahil nakaranas din siya ng pang-aabuso sa kamay ng iba pa niyang among lalaki.

 


 

 

 

Sa tulong ng video, na-rescue si Amanda noong June 8, 2021. Tuluyan siyang nakabalik ng Pilipinas nitong June 25, 2021. Pero sa kabila ng bangungot na pinagdaanan, nalaman namin na wala pang isang buwan mula nang makabalik si Amanda sa Agusan del Norte, nagpaplano siyang mag-submit ng application para makapagtrabaho ulit sa ibang bansa. Ito lang daw kasi ang  nakikita niyang paraan para matulungan ang pamilya.

 


 

Gaya ni Amanda, sa Dammam, Saudi Arabia nagtatrabaho bilang domestic helper si Sabrina Tarang, 29 years old. Sa huling video ng pag-uusap nila ng kapatid niya nito lang August 18, 2021, nanawagan siya para matulungang makauwi ng Pilipinas. Pero apat na araw matapos niyang manawagan, namatay si Sabrina.

 


 

Nagsimula ang kalbaryo ni Sabrina noong February 21, 2021 nang isugod siya sa ospital matapos sabuyan ng asido ng isang lalaki habang nasa labas daw sila ng kanyang amo.

 

 


 

 

 

 

Nitong August 18, 2021, kumalat ang video ng OFW sa Saudi Arabia na itatago namin sa pangalang Clarissa, 32 years old. Naaksidente ang sinasakyang kotse ni Clarissa at ng kaniyang amo. Dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at mga pasa sa iba’t-ibang parte ng katawan, hindi na niya raw kayang magtrabaho. Pero ayaw daw siyang pauwiin ng kanyang amo kahit tapos na ang kontrata niya.

 

 


 

 

 

Pero nalaman namin na may mas malalim palang pinagdaanan si Clarissa sa Saudi. Dahil makailang-ulit daw siyang inabuso at minolestiya ng kanyang mga amo. Nitong August 21, nasagip si Clarissa.

Sa gitna ng pandemya kung kailan ang tinutugunan ay ang pagkalat ng COVID-19, may mga pang-aabuso at pagmamalupit na patuloy na nararanasan ng mga OFW gaya nina Amanda, Clarissa at Sabrina. Ang kanilang maselang kondisyon, nangangailangan ng agarang aksyon.

Abangan ang buong kuwento ng “BANGUNGOT SA IBAYONG DAGAT” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, September 2, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.