Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang kuwento ng 'Unang Ginto'


 

 

ANG UNANG GINTO
AUGUST 5, 2021

 

 

Matapos ang siyam na dekada, winakasan ng ating mga atleta ang matagal na paghihintay ng Pilipinas sa multiple medals sa Olympics. Ang kanilang iyak, ngiti at sigaw matapos maipanalo ang laban, nagpapakita kung gaano nila kagustong makuha ang medalya para sa Pilipinas.

 

 

Ang pinakahinihintay ng lahat,  ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics na naipanalo ni Hidilyn Diaz para sa weightlifting. Pero bago pa man makamit ang mga karangalang ito, hindi biro ang hirap na pinagdaanan ng ating mga atleta.

 

 

Habang nagsasanay sa Malaysia, naabutan ng lockdown sina Hidilyn. Pero dahil kapos sila sa pondo, kinailangan nilang mag-training sa parking lot at gumamit ng makeshift na barbell. Nahihiya raw kasi siyang humingi ng karagdagang pondo sa gobyerno dahil naiintindihan niya ang nararanasang hirap dahil sa pandemya.

 

 

Pero nagpursige siya at hindi nawalan ng pag-asang masusungkit niya ang gintong medalya.

 

 

Naging malaking selebrasyon noong 1996 ang pagkapanalo ng silver medal ng boksingerong si Mansueto ‘Onyok’ Velasco sa Atlanta Olympics. Pero kuwento ni Onyok, maging siya noon, naranasan ang kakulangan ng suporta sa training.

 

 

Isa pang hinaing ni Onyok, hindi naman naibigay ang ipinangakong financial incentives sa kanya.

 

 

Ano-ano nga ba ang kailangang gugulin bago makuha ang  inaasam na medalya?  Panahon na nga ba para mas pagtuunan ng pansin ang mga atletang lumalaban para sa bansa?

Abangan ang buong kuwento ng “ANG UNANG GINTO” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, August 5, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.