Ang 'Mundo ni MJ', silipin sa Reporter's Notebook!

REPORTER'S NOTEBOOK
MUNDO NI MJ
MAY 6, 2021


_2021_05_06_12_22_33_1.jpg)
Araw-araw pinaliliguan ni Aling Emma ang anak na si MJ. Dahil hindi nakakakilos mag-isa, at halos buto’t balat ang katawan, maingat siya sa pag-aalaga sa bata. Pero si MJ, hindi na sanggol, 13 taong gulang na siya ngayon.


2007 ipinanganak si MJ. Sa Bicol pa nakatira ang pamilya nila noon. Sa bahay lang daw nanganak si Aling Emma sa tulong ng isang hilot. Apat na oras na habal-habal pa kasi ang layo ng ospital o birthing clinic mula sa bahay nila. Hindi rin nakapagpa-check-up si Aling Emma sa doktor habang nagbubuntis.


Wala raw siyang nakitang kakaiba nang ipanganak si MJ kaya buong akala ni Aling Emma normal ang sanggol. Pero isang linggo matapos ipinanganak si MJ, napansin daw niya na may kakaiba sa ikinikilos ng anak.

Ang sabi raw ng doktor na tumingin, nagkaroon ng impeksyon sa pusod at nagkaroon ng tetanus si MJ. Pinayuhan silang dalhin sa ang bata espesyalista para malaman kung ano talaga ang sakit niya pero wala naman silang panggastos. Wala rin kasing trabaho noon ang asawang niyang si Mang Marcial matapos maoperahan naman sa appendix.

Umabot ng labing tatlong taong gulang si MJ nang hindi lumalaki ang katawan, hindi nagsasalita, hindi nakakakilos mag-isa at hindi nalalaman nina Aling Emma kung ano talaga ang sakit niya.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang labing tatlong taon, madadala sa espesyalista si MJ. Ano ang kanilang matutuklasan?
Abangan ang buong kuwento sa “MUNDO NI MJ” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, May 6, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.