Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang bagong mukha ni Lola Rosita


 


REPORTER'S NOTEBOOK: BAGONG MUKHA
HUWEBES, JANUARY 21, 2020 | 11:30 PM SA GMA NETWORK

Sa gitna ng pandemya, kumakayod at nangangalakal ng basura si Lola Rosita kahit na may uka o butas ang mukha. Ngayon, sa tulong ng mga taong handang magbigay-pag-asa sa iba, mabibigyan si Lola Rosita… ng bagong mukha.


Taong 2017 nang matuklasang may tumor sa kanang pisngi si Lola Rosita. Para hindi na kumalat ang tumor, tinanggal ito kasama ang kanyang kanang mata. Ang idinadaing ni Lola Rosita noong makilala namin siya, nagsusugat na ang bahagi kung saan tinanggal ang mata. Natatakot rin siyang bumalik ang tumor.

 


Inilapit naming sa Paranaque City LGU ang kaso ni Lola Rosita. Sa tulong nila, nadala siya sa Philippine General Hospital. Dito nalamang hindi na bumalik ang tumor sa kanyang mukha. Pero kakailanganin niya ng facial prosthesis para hindi magsugat at maimpeksyon ang butas sa mukha.

 


At nito lang Disyembre, isang prosthetics clinic ang sumagot sa kanyang facial prosthesis.

 


Dumaan siya sa iba’t ibang proseso gaya ng scanning at color matching. May nagmagandang-loob rin na sagutin ang kaniyang special denture para matakpan ang butas sa kaniyang ngala-ngala.

 


At ngayong January 2021, dumating ang pinakahihintay na araw ni Lola Rosita. Susukatin at ilalapat na sa wakas ang kanyang bagong mukha.

 


Abangan ang “BAGONG MUKHA” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, January 21, 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.