Lagay ng mga OFW sa gitna ng tensyon sa Iraq, tututukan sa 'Reporter's Notebook'
8-TIME NYF WORLD MEDALIST
9-TIME USIFVF AWARDEE
2019 ASSOCIATION FOR INTERNATIONAL BROADCASTING AWARDS-HIGHLY COMMENDED
TENSYON SA IRAQ
JANUARY 23, 2020
Ilang linggo nang hindi mapakali si Evanjo Gutierrez, dalawampu’t pitong taong gulang. Nag-aalala kasi siya sa asawang si Beverly, na nasa Iraq. Nabalitaan ni Evanjo ang tungkol sa isinagawang air strike ng Amerika, at pagkatapos, ng Iran, sa bansang Iraq.
Higit dalawang buwan pa lang si Beverly sa Iraq nang mangyari ang air strikes. Pero kahit may tensyon, ayaw muna niyang bumalik ng Pilipinas. May mga utang pa raw kasi siyang kailangang bayaran.
Pangarap rin niyang matapos ang bahay nila sa Bayambang, Pangasinan. Kailangan rin niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang dalawang taong gulang na anak.
Gusto sana ni Evanjo na tulungan ang asawa sa mga bayarin. Ang kaso, naaksidente naman siya noong December 2019.
Narinig naman ng OFW na si Allan Paranal ang airstrike sa isang airbase sa Iraq. Nagtatrabaho siya bilang isang company secretary sa isang construction firm sa Erbil, Iraq.
Mahigit dalawampung taon nang nakikipagsapalaran si Allan sa ibang bansa. Pero bago siya mapunta sa Iraq, nauna na siyang nagtrabaho sa Libya noong 2014. Naabutan niya ang civil war sa Libya kaya isa siya sa mga na-repatriate noon. Pero kahit nakaranas na ng gulo sa ibang bansa, masuwerte pa rin daw siyang nakabalik sa Middle East.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na magkakaroon ng mandatory repatriation sa mga OFW sa Iraq. At nito lang January 15, dumating ang unang batch ng mga na-repatriate na mga Pinoy. Ano nga ba ang naghihintay sa mga Pinoy na nakalikas na at sa mga naiwan pa sa Iraq?
Abangan ang “TENSYON SA IRAQ” ngayong January 23, 2020 11:35 pm sa 2018 New York Festivals Bronze World Medalist at 2018 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.