Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bantay Bulkang Taal sa 'Reporter's Notebook'


BANTAY BULKANG TAAL
JANUARY 16, 2020

 



January 12, 2020: nagulantang ang lahat sa pagsabog ng Bulkang Taal, isa sa dalawampu’t apat na active volcanoes sa Pilipinas. Bandang 7:30 ng gabi ng January 12, itinaas sa alert level 4 (hazardous eruption imminent) ang Taal Volcano. Naglabas ang bulkan ng tinatawag na steam-laden tephra column na may kasamang volcanic lightning. Kasunod nito ang ashfall sa mga probinsya ng Batangas, Laguna, at Cavite. Umabot din ang ashfall sa Metro Manila at Central Luzon.

Agad inilikas ang mga nakatira sa mga lugar malapit sa bulkan kabilang na ang siyam na taong gulang na si Rona Mae Caro mula sa Talisay, Batangas. Kasama ang kanyang buong pamilya, dinala sila sa isang evacuation center sa Sto. Tomas, Batangas. Ang ama ni Rona Mae na si Mang Roberto na sampung taon nang tourist guide at boatman papunta sa Volcano Island, inaalala kung may babalikan pang hanapbuhay.



Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, as of January 15, umabot na sa higit limampung libong tao ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. Sa bilang na ito, higit apatnapung libo ang nasa evacuation centers.



Sumama rin ang Reporter’s Notebook sa pag-iikot ng mga rescuer sa mga lugar sa Batangas na pinaniniwalaang may mga nakatira pa.



Sunod-sunod din ang mga volcanic earthquake sa mga lugar malapit sa bulkan. As of January 15, umabot na sa higit apat na daan ang naitalang lindol.



Sa bayan ng Laurel, Batangas, makikita ang mahabang bitak sa lupa mula kalsada hanggang sa ilang bahay dulot ng pagyanig ng lupa.



Alamin ang sitwasyon ng mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Paano nga ba dapat maghanda, at tumugon, sa ganitong sakuna?

Abangan ang “BANTAY BULKANG TAAL” ngayong January 16, 2020 11:35 pm sa 2018 New York Festivals Bronze World Medalist at 2018 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.