Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga napabayaang pabahay ng gobyerno, tinungo ng ‘Reporter’s Notebook’
TENGGANG PABAHAY
NOVEMBER 30, 2017
Ang magkaroon ng sariling bahay at lupa, kabilang sa mga top urgent personal concerns ng bawat Pilipino ayon sa isang pag-aaral ng Pulse Asia. Ang gobyerno, libo-libo ang ipinapatayong pabahay na abot kaya ang halaga para sa mga mahihirap at uniformed personnel gaya ng mga sundalo, pulis, bumbero at mga nagtatrabaho sa BJMP. Pero paano kung ang mga pabahay, naiwang nakatiwangwang at unti-unting napapabayaan?
Sa datos mula sa Commission on Audit at National Housing Authority, nasa anim na housing project sa buong bansa para sa mga uniformed personnel ang hindi lubusang napakikinabangan. Nasa halos pitong libong housing unit ang nakatiwangwang at hindi tinitirhan. Tinungo ng Reporter’s Notebook ang ilan sa mga ito. Taong 2013 pa nang matapos ang Sea Breeze Residences sa Ibaan, Batangas. Dahil sa tagal ng pagkakatengga, tinubuan na ito ng mga talahib. Ang ibang unit, kapansin-pansing naluma at nasira na sa ilang taon na walang nakatira. At dahil nakatiwangwang ang mga bahay, mga alagang baka ng ilang residente malapit sa sea breeze ang nakasilong sa mga housing unit. Ang ginastos ng pamahalaan para sa pagtatayo ng Sea Breeze Residences. Umabot sa 304.28 million pesos
Pinuna rin ng COA ang isa pang pabahay sa Hermosa, Bataan. Sa isang libong housing units sa Hermosa Village, isa pa lamang ang okupado. Sa pananaliksik ng GMA News Research, nasa 335.61 million pesos ang pondong inilaan dito ng NHA.
Sa buong bansa, hindi bababa sa limang housing projects para sa mga uniformed personnel ang nananatiling kakaunti ang okupado o di kaya naman ay walang nakatira. Ang pondong inilaan para sa mga pabahay na ito, umabot sa mahigit dalawang bilyong piso at 1.7 billion pesos dito naibayad na sa mga contractor.
Pero hindi lang mga pabahay para sa uniformed personnel ang hindi napakikinabangan. Ayon sa report ng coa, sa mahigit 190,000 na mga housing units na itinayo para sa mga pulis, mga sundalo, mga informal settlers at maging sa mga biktima ng mga kalamidad, nasa 76,000 housing units lang ang okupado. Ang iba, nakatengga, naluluma, nasisira.
Huwag palalampasin ang “TENGGANG PABAHAY” ngayong November 30, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
More Videos
Most Popular