Kaso ng pagputol ng libo-libong puno sa Palawan, binantayan ng 'Reporter's Notebook'
Sa drone footage na kuha ng Reporter’s Notebook sa Brooke’s Point, Palawan, kita ang mga naukang bahagi ng kabundukan. Libo-libong puno kasi ang pinutol sa lugar, kabilang na ang ilang matatandang puno.
aabutan pa ng Reporter’s Notebook ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) at mga opisyal ng lokal na pamahalaan habang sinusukat ang ilan sa mga punong itinumba.
Sabi ng lokal na pamahalaan, bahagi raw ng Mt. Mantalingahan Protected Landscape ang lugar kung saan nagputol ng mga puno. Hindi rin daw nila binigyan ng pahintulot ang kumpanya para magsagawa ng tree-cutting dito.
Giit naman ng mining company na nagsagawa ng pamumutol, mayroon silang permit para isagawa ang tree-cutting. Pero ano nga ba ang patakaran ng DENR pag dating sa pagpuputol ng mga puno?
Huwag palalampasin ang “Pinutol na Puno” ngayong June 29, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
- KVD