Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Naging kampanya ni presumptive president Rodrigo Duterte, susuriin sa 'Reporter's Notebook'


 


“Daan tungo sa Palasyo”
Espesyal na Ulat ng Reporter’s Notebook
Huwebes, May 12
11:35 PM sa GMA Network

Mayo 9, 2016 – pumili na ng bagong Pangulo ang Pilipinas. Matapos ang ilang araw na bilangan, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang lumalabas na may pinakamaraming boto, at may malaking lamang sa kaniyang mga kalaban. Si Mayor Duterte na ngayon ang kung tawagin ay “presumptive President” ng Republika ng Pilipinas.

 


Bagama’t buwan pa ang bibilangin bago siya opisyal na maluklok sa pwesto, pinaguusapan na ang mga plano ni Duterte para sa Pilipinas—kabilang ang sinasabing curfew para sa mga kabataan, liquor ban, at iba pang patakaran na tila halaw sa mga ordinansang istrikto niyang ipinatupad sa Davao City. Inihayag rin ni Duterte ang balak niyang pagtataguyod ng sistemang Federalism para sa Pilipinas.

 


Si Mayor Duterte na rin ang nagsabi, iba raw ang kampanya sa aktwal na pamumuno. Kaya asahan na raw na ang istilo niyang palamura at brusko, hindi raw niya dadalhin sa Malacanang. Sa halip, isang “prim and proper” na Pangulo na magtataguyod ng kapayapaan para sa lahat ang maaasahan raw ng bawat Pilipino. Pero paano nga bang haharapin ni Duterte ang mga hamon sa pamumuno ng bansa?

Ngayong Huwebes sa Reporter’s Notebook, balikan ang naging paglalakbay ni Rodrigo Duterte mula sa pagiging “strong man” ng Davao City, hanggang sa siya ay tumakbo, mangampanya, at manguna sa bilangan bilang susunod na uupo sa Palasyo.

Abangan ang “Daan Tungo sa Palasyo” ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!