Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga Pilipinong 'di nagpapadaig sa hirap, kikilalanin sa 'Reporter's Notebook'


BISPERAS NG PAG-ASA
REPORTER’S NOTEBOOK CHRISTMAS SPECIAL
DECEMBER 24, 2015

Sabi nga nila likas na masipag at matiyaga ang mga Pilipino. Pero ang mas nakahahanga, ang mga nakilala ng Reporter’s Notebook na patuloy na lumalaban kahit pa sadlak sa iba’t ibang mahirap na kalagayan. Ngayong bisperas ng Pasko, kilalanin silang hindi nagpadaig sa hirap at patuloy na nagsisikap.

 

Sina John Michael at Jobert, sa murang edad napilitan nang tumulong sa kani-kanilang pamilya. Pangangalakal sa burak at sa mga truck ang halos araw-araw nilang ginagawa kapalit ng barya-baryang kita.
 
Sa kabila ng katandaan, patuloy pa rin sa paghahanapbuy si Lolo Marciano. Ang pagtitinda niya ng ice cream, malaking tulong raw kasi para may maipambili siya ng gamot. Ang PWD na si Mang Pedro, parang kalabaw rin kung kumayod sa junk shop at vulcanizing shop. Dito niya kasi kinukuha ang panggastos niya at ng kanyang ama. Sa Hong Kong, nakilala naman ng Reporter’s Notebook si Rose, may stage 4 ovarian cancer. Pero kahit may sakit, tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho bilang isang domestic helper.

Ngayong Pasko, isang pagsaludo ang ibinibigay ng Reporter’s Notebook sa mga gaya nilang hindi nagpatalo sa kahirapan, kondisyon at karamdaman. Abangan ang Bisperas ng Pag-asa, Reporter’s Notebook Christmas Special ngayong December 24, 2015, 5:15 ng hapon pagkatapos ng Destiny Rose.