Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Nakaaalarmang kaso ng gutom sa Pilipinas, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
SAGAD SA GUTOM
November 5, 2015
November 5, 2015
Sa inilabas na 2015 Global Hunger Index, lumalabas na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakaaalarma ang kaso ng gutom. Sinukat ito batay sa dami ng mga batang nakararanas ng malnutrisyon, hindi tama ang timbang at tangkad sa edad, at bilang ng mga batang namamatay dahil sa gutom.
Tumaas rin ang bilang ng mga nagsasabing nakaranas sila ng gutom ngayong Hulyo hanggang Setyembre 2015 ayon sa survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa mga nakalipas na taon, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, makailang-ulit nang ipinakita ng Reporter’s Notebook ang iba’t-ibang mukha ng gutom sa ating bansa.
Luzon, Visayas hanggang Mindanao, sinuyod upang malaman kung hanggang saan ang gagawin ng ilan sa ating mga kababayan, malamnan lang ang tiyan. May ilan sa kanilang ang itinapon na lamang-loob ng hayop ang pinantatawid-gutom. Maging ang mga basurang pagkain mula sa mga restaurant, nireresiklo upang may makain ang kanilang pamilya.
Sa dami ng mga programang ipinatupad ng pamahalaan para labanan ang gutom, bakit marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakakawala at tila bihag nito?
Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong Huwebes sa bago nitong oras 5:20 ng hapon pagkatapos ng Destiny Rose.
More Videos
Most Popular