Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpaslang sa mga Lumad, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'






PAGPATAY SA MGA KATUTUBO
September 17, 2015

 

 
Sa isang lugar sa Mindanao, nakilala ni Jiggy Manicad ang isang labing limang taong gulang na batang Manobo. Ikinuwento niya kung paano siya nakaligtas habang pinagbabaril umano ng mga sundalo ang kaniyang ama at iba pang kasamahan. Tinungo rin ng Reporter’s Notebook ang lugar kung saan nakatira ang menor de edad. Balot pa rin ng takot ang mga residente rito. Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang mga paratang. Lehitimo raw ang kanilang naging operasyon na pagtugis sa mga NPA.
 



Sa bayan naman ng Lianga sa Surigao del Sur, napatay din ang tatlong kinikilalang lider ng mga katutubong Manobo. Aktibo sa kanilang kampanyang maprotektahan ang kanilang ancestral domain ang tatlong lider. Kwento ng kanilang mga kaanak, pinahirapan bago pinatay ng paramilitary group na Mahagat-Bagani ang kanilang mga kasamahan. Hinihimok ngayon ng ilang grupo na magkaroon ng isang inter-agency investigation sa mga nangyaring pagpatay sa mga Lumad. 
 





Pero isa pang epekto ng nangyayaring kaguluhan at pagpatay sa ilang Lumad ay ang dumadaming bilang ng mga katutubong napilitang lumikas. Ilan sa kanila pansamantalang naninirahan sa isang Sports Complex sa Surigao del Sur. Dahil naiwan ang kanilang kabuhayan, problema nila ngayon kung paano makapagpapatuloy sa pag-aaral ang mga bata at kung saan kukunin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
 

Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng nasabing pagpatay sa mga Lumad?

Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong Huwebes sa bago nitong oras 5:20 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.