Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Mga nakakalasong pagkain, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'

LASON SA PAGKAIN
Reporter’s Notebook Special Report
July 16, 2015

Sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa mga nalalason dahil sa pagkain, paano nga ba matitiyak ng mga mamimili na ligtas ang binibiling pagkain?


Nagtungo ang Reporter’s Notebook sa Davao City kung saan unang natuklasan ang sinasabing fake rice. Nakapanayam ni Maki Pulido ang may-ari ng canteen kung saan nakita ang pekeng bigas. Pinuntahan rin ng team ang pagawaan ng durian candy na lumason sa halos dalawang libong residente ng CARAGA region. Kasalukuyang sinusuri ng Food and Drug Administration kung ano ang komposisyon ng diumano’y pekeng bigas at ng durian candy na nagdulot ng peligro sa buhay ng marami.




Bukod sa paninigurong malinis ang mga pagawaan ng pagkain, nakasaad rin sa Food Safety Act na kailangan mapanatiling malinis ang lahat ng lugar kung saan ibinebenta ang mga produkto. Ito ay upang masigurong hindi makontamina ang mga pagkain. Nilibot din ng Reporter’s Notebook ang ilang malalaking pampublikong pamilihan dito sa Metro Manila. Napansin namin na ang ilan sa mga ito ay maburak, may tambak ng basura at may mga umaaligid na daga.
Huwag palalampasin ang “Lason sa Pagkain” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.
More Videos
Most Popular