Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Pangambang paparating sa Philippine Orthopedic Center, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
KANLUNGAN NG LUNAS
Reporter’s Notebook Special Report
July 2, 2015
Reporter’s Notebook Special Report
July 2, 2015
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_7.jpg)
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_1.jpg)
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_0.jpg)
Ang Philippine Orthopedic Center o POC ang nag-iisang pampublikong ospital sa buong Pilipinas na ang specialization ay kahit na anong klase ng bone trauma at bone disease. Takbuhan ito ng mga mahihirap nating kababayan na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa. Katunayan, sa isang araw, umaabot raw hanggang apat na daan hanggang limang daang pasyente ang nagpapagamot sa POC.
Sa pagtungo ng Reporter’s Notebook sa POC, mga batang humihiyaw sa sakit at hindi mapakali dahil sa kirot na nararamdaman ang aming naabutan. Karamihan sa kanila, nasa charity ward kaya halos wala na silang binabayaran.
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_6.jpg)
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_5.jpg)
Sa male charity ward naman namin nakilala si Mang Joselito. 2008 nang unang ipasok sa POC si Mang Joselito na isang driver ng truck. Nang minsang magpalit daw siya ng gulong ng truck ay aksidenteng nagkaroon ng bali sa kanyang spine o gulugod. Mula noon ay hindi na siya nakalakad at nagpabalik-balik na siya sa ospital. Bagama’t libre ang pananatili niya rito, may ilang gamot na wala sa ospital at kailangan niyang bilhin sa labas. Ang problema, ni singko wala sila.
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_4.jpg)
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_3.jpg)
Sa paglilibot namin kasama ang ilang nurse ng ospital, natuklasan naming sira na rin ang ilang pasilidad ng ospital. Ang ilang kuwarto halimbawa, halos bumagsak na ang kisame kaya ang ilang pasiyente sa hallway na lamang ipinuwesto.
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/07/2015_07_01_18_01_59_2.jpg)
Ang tugon ng pamahalaan para sa kakulangan ng POC, isailalim ito sa Public Private Partnership o PPP program kung saan popondohan ng pribadong kumpanya ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad at kagamitan. Pero marami sa mga staff at maging pasiyente ang tutol dito. Pangamba nila, maaaring hindi na makuha ng mga mahihirap na pasyente ang libreng medikasyon na nakukuha nila sa ngayon. Nangangamba rin daw silang mawalan ng trabaho ang ilan sa mga tauhan ng ospital.
Paano nga ba mapabubuti ang kalagayan ng mga pasilidad, pasiyente at medical worker ng POC?
Huwag palalampasin ang “Kanlungan ng Lunas” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.
More Videos
Most Popular