Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kakulangan ng mga libro sa mga public school, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'
Kasabay ng pagbubukas ng mga klase sa buong bansa ay ang pagbabalik din ng mga dati nang problema gaya ng kakulangan sa mga aklat. Ito ang nararanasan ng mga estudyante ng Guina-ang Elementary School sa Bontoc, Mountain Province. Dapat ay 1:1 ang ratio ng estudyante sa bawat libro pero dito, kailangang maghati ng apat hanggang limang estudyante sa isang aklat. Kaya ang mga guro, gumagawa na lang ng paraan para makaagapay at hindi mahirapan ang mga bata sa pag-aaral.
Sa kabila ng kasalatan sa mga aklat sa ilang pampublikong paaralan sa bansa, may mga libro namang tila nasayang at hindi na mapakikinabangan. Ayon sa pag-aaral ng Commission on Audit o COA para sa school year 2012 hanggang 2013, mahigit anim na daang milyong pisong halaga ng mga libro ang hindi akma sa bagong ipinatutupad na curriculum na K+12 at posibleng hindi na magamit. Hinanap ng Reporter’s Notebook kung nasaan ang mga librong binabanggit sa report ng COA.
Huwag palalampasin ang “Salat sa Aklat” ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.
Tags: plug
More Videos
Most Popular